ROCK FOR LIFE

Your awesome Tagline

Notes

A D I O S

Realisasyon sa buhay,kaylanman hindi malilimutan

Engrandeng pangyayari,tagumpay at kasawian

Eto pa ka rin,nadapa man, bumabangon pa rin

Na ang tanging salamisim ay mga taong nagmamahal 

At isama narin ang mga kritikong makikitid ang isipan

Ang gusto mo lang naman ay matuto

Tapos nun ibabahagi mo ito

Hindi man lahat maniwala

Eto parin at umaasa

Na kapag nabasa nila ito 

Ay masasabi mong tama pala ako

Maraming nangyari sa taong 2011

Eh ano naman kung nadapa ka man

Respeto sa iba dre, e ano pa yong mga sinapit ng Bagyong Sendong?

At mga nanakawan at nawalan sa buhay?

Bakit ba masyado ka dyang nagdadamdam

Isipn mo nalang, ikamamatay mo ba ang nangyari sayo?

Tandaan- paglumubog ka, iisa lang ang patutungahan,

Eto ay walang ibang kungdi ang pagahon at muling pagbangon.

Para saan pa at bago ang taon? 

At aanhin mo ang mga resolusyon na yan?

Reklamo ka ng reklamo sa nangyayari sa paligid mo?

Combatir! ika nga sa kastila na ibig sabihin ay laban!

Ang mga masasamang nasa paligid mo, piliting mong labanan

Rakrakin mo lang ang mga taong pumipigil sa iyong kasiyahan

E sa huli, maging masaya ka man o malungkot wala silang pakialam.

Yan ang katoohanan,para wala kang pagsisihan pagdating nang araw.

Filed under new year real name goodbye 2011 hello 2012